Halimbawa raw maaraw at nilagay natin ang isang bote na may tubig sa tapat ng bintana at iniwan dun ng ilang oras. Pagkabalik natin ay mapapansin natin na ang bote ay madaling uminit. Mas maraming laman na tubig ang bote, mas mainit at mas maraming bote na ilagay sa bintana, mas lalo pang maraming init ang naiipon.
Ang solar panel ay ganito maiisasalarawan. Sakaling subukan na lagyan ng butas ang mga bote sa magkabilang dulo, lagyan ng PIPE kung
saan pwede na pagdaluyan ng tubig at maikonekta sa ating water supply system. Kabitan lang ng WATER TANK at PUMP para tuloy tuloy ang takbo ng tubig sa buong kabahayan, meron ka na din simpleng SOLAR POWERED HOT WATER SYSTEM.