Someone asked me, "What's your passion?" I replied with a question, "What does passion mean?"
Well, it's not that hindi ko alam, ayaw ko lang syang sagutin. Now, it has already been more than 6 years since I graduated but after those years, I am now unsure what exactly I want to be. Reality bites, I have my own share of
experiences, that may have triggered me to lie low in engineering industry.
I have always been hungry for inspiration and advice, being a woman in technical field. It seems that I always wanted
to find myself in something where I would fit perfectly like a piece of a puzzle. But in everything I do, I always put my heart into it. It just that there are some things that engineering jobs here in the Philippines that needs to be fixed, mga bagay bagay na kulang sa pansin para sa akin.
First and foremost, it is never easy to pass a licensure exam, since it is actually one of the greatest challenges na kakaharapin ng mga graduate sa EE. Andun yung puyatan, sunogan ng kilay at tadtad ng formula na mga notebook habang nag-aaral. Just to get a license, kailangan mong magreview at magbayad para sa exam mismo. Yung ibang pumapasok sa review center, kulang kulang 25,000 gagastusin lalo na pag galing pa probinsya at luluwas lang ng maynila para dito.. Yung ibang magagaling na talaga, pwedeng self-study pa din pero kaakibat na didikasyon ang kailangang ibigay maisaulo lamang ang napakaraming dapat pag-aralan sa Math, Engineering Sciences at sa Electrical. And after being able to pass, halos magtatalon sa tuwa dahil sa wakas, medyo madali na mag-apply ng trabaho.
But then again, parang goldfish na pinakawalan sa dagat, sobrang lawak ng mundo na pwede suungin, dapat alamin pa din kung saan ang dapat puntahan kundi maliligaw at maliligaw ang isang batang enhinyero.
Ang akala ng iba, pag engineer ka, astig sa trabaho, astig sa kita. Pero ang totoo nyan, karamihan sa atin, nagkukumahog pa din patunayan ang sarili sa kakarampot na binibigay ng mga employer. Well, sa isang fresh grad, kahit na may license, ang average na bayad ay 12,000-14,000. Swerte na pag nabigyan kaw ng kita na PhP15,000 pataas. Andun ang challenges na dapat pagdaanan. Ika nga, dapat maging "wise beyond our years". Sa mga batang engineers, andun yung "fresh enrgy" at "new perspectives", excitement at pag-asa, at expectations. An engineering position, is a "NO TO PETIX MODE" and "NO TO HAPPY-GO-LUCKY lifestyle", especially pag nagsisimula ka palng. It will always be a challenge na maging seryoso sa trabaho at mag-enjoy pag day-off. I don't mean na dapat maging seryoso masyado, yung tipong alang ngitian, pero pag ikaw ay bago pa lang, at marami pang dapat matutunan, it seems that age is a filtering system, lalo na sa mga pinoy. There will always be subordinates na may mga edad na, may pamilya, maraming karanasan sa buhay na magtratrabaho as your subordinates. Don't make quick decisions, dapat pag-aralan lahat ng gagawin. It's not wrong na tanungin an ibang mas may alam kung di kaw sigurado, but you also have to make a stand na kaya mong magdesisyon base sa sariling pananaw, dahil in the first place, hindi kaw nilagay sa posisyon na yan nang walang dahilan. Also, young engineers tend to be respectful. It's easy to ask older electricians by requests or compliments, but you have to keep it in a way na you'll gain respect. Andun yung responsibility at accountability sa bawat projects or specific task na gagawin o ipapagawa mo.
Karaniwang makikita sa mga jobfairs, engineers na naghahanap ng trabaho sa ibang bansa. Bakit kaya? Well, tempting magwork sa ibang bansa, makakapag-ipon kaagad at in a way, karangalan din para sa pamilya mo na nagsakripisyo kaw at makakatulong sa kanila. But what makes many of our brothers, as well sa sa mga kapatid na babae na din, ang magdesisyon mag-abroad? Maraming dahilan - pangit na pamamalakad ng mga employer, alang asenso, mabigat na trabaho at responsabilidad, o pwede ding ala masyadong oppurtunity para sa trabaho dito sa pinas.
Dalawa ang pinaka-karaniwan na pwede maging trabaho.
1) Building Maintenance - nakasalalay sa kanila ang kaligtasan at tuloy tuloy na operasyon sa isang building, katulad ng airconditioning, lighting, paging, security, etc. Sila yung mga tipong kailangang pumasok parati lalo na pag may bagyo at baha, habang ang karamihan ay nasa bahay lang kasi delikado - pero sa kahit na anong sipag, sa overtime lalo na sa dedikasyon sa trabaho pag may mga emergency, ang ganitong trabaho ay karaniwang maliliit pa din ang sahod. May nakikilala nga ako, 10 years nang supervisor, pero PhP20,000 lang ang basic salary. Madaling sabihin na depende sa tao yun at kompanyang papasukin, pero ang mga empleyado sa maintenance, kahit sabihin pang long term sa trabaho, may ceiling parati sa kita.
2) Construction - walang humpay na habol sa deadlines sa mga projects. Iba-iba ang pwede puntahan sa ganitong klaseng environment, andun yung implementing engineer or project in charge, pwede ding QA, or design engineer, pweding sa sales. Pero sa lahat ng engineering field, ito ang pinakatoxic sa pananaw ko. Andito yung tipong mag-oovernight o tuloy tuloy na trabaho sa magkakasunod na araw para lang sa isang project. Pero ang ganitong tipo ay may kaakibat na kalaban, kailangang siguraduhing ligtas ang paligid at tama ang ginagawa. Swerte ang isang engineer na mapasok sa isang construction company na tama magpasweldo. Kumikita kasi ang isang kompanya sa productivity ng mga tao, dahil ang mga kontraktor ay karaniwang gumagastos muna nang malaki bago makuha ang bayad para sa isang project. Dito sa pinas, naglipana ang gulangan sa mundo ng construction, politika at diskarte para mas kumita nang malaki kahit di masyado magtrabaho, swerta na lang pag di balahura ang employer mo at may pakialam sa tao. Karaniwan sa mga ganito, maliliit ang sahod, sobra sobra sa OT at minsan, ala pang SSS, philhealth, pag-ibig, etc!!
Well, haay naku, hirap naman pala maging engineer. Hirap na nga maghanap ng trabaho, MAS MAHIRAP PA MAGHANAP NG TRABAHO NA MATINO.