Pano kapag ang isang linya ay MAS MAINIT kesa sa iba??
1) Una tingnan muna kung unbalanced ang circuit. Isa isang tingnan ang amperaha at kung mas mataas ito kesa sa iba.
2) Tingnan kung MALUWAG ang terminal. Pag maluwag kasi ang dinadaluyan ng kuryente, chances are, exposed ang wire, may tendency magleak ang current, kakalat ito, hindi masyadong nakokontrol ang circuit at mas iinit ang wire.
3) Idouble check baka me sunog na part. Sakaling naputulan na ang kable dati pa, nung nasunog ito, siguraduhing LAHAT NG SUNOG ay wala na dun. Kahit gaano kaunti ng sunog pag naroon pa rin sa circuit, maaaring magdulot pa rin ito ng problema.
Note: pag me sunog na area sa kable, di nakakadaloy nang maayos ang kuryente, nagtatambak (natratrapik?) sa isang lugar kaya umiinit. Katagalan, ang kaunting sunog ay lalaki nang lalaki hanggang sa bumigay ang kable. Lalo pa kung ito ay nasa dulo, masusunog ang terminal sa breaker. =)
No comments:
Post a Comment