Saturday, November 10, 2018

Ang Booster at Transfer Pumps

Kapag ang isang building ay medyo mataas na, dalawang water tanks ang nilalagay: isa sa ibaba at isa sa itaas.  Ang main tank na nilalagay sa baba ang unang lugar kung saan natitipon ang lahat ng tubig.  Galing sa main tank, iaakyat ang tubig papunta sa overhead tank (karaniwang nakalagay sa rooftop).  ipon sa overhead tank ang mga tubig, ikakalat ito pababa at palabas sa mga gripo natin at sa ibang water outlets. Para magawa ang lahat ng ito, pantulong natin ang ating mga motor pumps.

Pero ano nga ba ang mga ito?

1) Transfer Pump - Ang pump na ito ang ginagamit para mailipat ang tubig. 

For vertical displacement: Ito ang motor pump na nilalagay sa basement o ground floor ng mga building para maiakyat ang tubig papunta sa taas. Ang transfer pump ang nakaconnect sa water level sensors (karaniwang float switches) sa mga tangke. Ito'y kusang aandar sa trigger ng water level sensor kapag hindi na sapat ang tubig na meron na kabilang tangke o sa tangkeng paglilipatan nya ng tubig. Usually, transfer pump lang sa baba, sapat na para maihatid ang tubig sa taas. 

Horizontal displacement: Ginagamit din ito sa paglilipat ng tubig sa parehong palapag. Halimbawa, may dalawang overhead tanks sa rooftop para sa main building at extension area. Para maitransfer ang tubig galing sa main building, gagamit ng transfer pump sa tabi ng main tank para mailipat ang tubig sa isa pang tangke sa extension building.


2) Booster Pump  - Ang pump na ito ay ginagamit para mapanatiling sapat ang daloy ng tubig. As per the term "booster", ito ay naglalayong mag-increase ng water pressure (pressure booster) kadalasan sa mga upper floors ng high rise building. Umaandar ito kapag may pressure drop sa ating water flow, at iwas water backflow na din.   Malalaman mong booster pump ito kasi may makikita kang pressure gauge katabi nito. Kadalasan ding may maliit na pressure tank (hugis oblong)

Sa mga karaniwang bahay naman, ginagamit ang booster pump sa irrigation (sa may mga hardin, gulayan, o iba pang taniman). Kung malayo ang lawn or mga taniman sa isang lugar, karaniwang mahina ang daloy ng tubig kaya ginagamit ang booster pump.   

Ito din ay ginagamit sa mga bahay ( 1 or 2-storey houses) na medyo matataas ang lugar. Pwedeng ilagay ang booster pump sa labas ng bahay pantulong para mas malakas ang tubig na maihahatid sa loob nito.










No comments:

Post a Comment

Turbine generator? Parang nakita ba kita (o sun dial lang!?)

September 2, 2009 I'm not a UP graduate, pero kung minsan pumapasyal pasyal na din ako dun dahil sa friends ko.. Nitong huli lang a...