Saturday, November 10, 2018

The Famous Unknown Neutral Wire

Ano ba ang neutral wire? Well, madali pong masagot yun ng isang electrical student. Neutral wire is a wire used for grounding na pwede ding magdala ng current and is coded with a "WHITE COLOR"

Ngunit paano ba maeexplain ng isang electrical student or grad ang neutral wire sa ibang tao. Well, simple lang. =) Ang neutral wire ay nakakonekta sa SAFETY GROUND sa SERVICE ENTRANCE o abang kaya pag kinukuhan ng boltahe ang neutral at ground ay ala talagang makukuha kasi magkadugtong silang dalawa.

Ngunit bakit ba tayo gumagamit ng neutral wire??? =) sa grounding lang ba to?

Ginagamit ang nuetral wire to ALLOW the three-phase system to use a higher voltage while still supporting lower-voltage single-phase appliances.

Halimbawa, yung main supply natin na three-phase ay 400 V, at meron tayong load na kailangan sa 240 V lang ( square root of 3 para sa line-to-neutral na voltage). Magagamit natin ang neutral wire dito. Ang kuryente kasi ay parang tubig. It needs a complete circuit to flow


Ganito kasi yun, kung 3-phase load ang ikakabit, tallong wire ang meron tayo. Hindi na natin masyadong kailangan ng neutral wire, kasi ang tatlong wire ay ikokonekta sa tatlong linya, LINE A, LINE B at LINE C. Ang magiging voltage ay phase-to-phase. Kaya kung 440 V ang boltahe mo sa MAIN SUPPLY, 440 V din ang voltage sa three-phase na load. Ngunit para sa single phase na load, dalawang wire lang ang ikakabit sa supply. Isa pwedeng ikabit sa A, B o C (hot wire) at ang isa naman ay ikakabit sa neutral.


Ang nuetral wire ang maghahatid ng return current sa electrical company o sa source ng kuryente para makompleto ang circuit. =) At tandaan, mas mababa na ang voltage nito.


Pero what if lahat ng load ay three-phase din. Bat kakailanganin natin ng neutral wire?????????
Well, nangyayari to sa four-wire at five-wire system. Mas nakakaintriga sa five-wire system. May tatlong hot wire na, may grounding wire din, may NEUTRAL WIRE PA. Nakakalito? Hmmnn.

As long as the 3 loads (for each of the 3 phases) are perfectly balanced, there is no need for a neutral. Kayang kaya dalhin yun ng tatlong linya. Pero, almost all the time, lalo na sa mga residential, ang balanced load na design ng mga engineer, di din nangyayari. Hindi kasi lahat ng appliances at nagaganit. Right??

And worse, what if isang linya lang ang gumana. Let's say, yung line A lang na loads ang magagamit, samantalang ala sa line B at line C. Ang unbalanced current na yun, ay best suited na dalhin ng fourth wire, at yun ANG NUETRAL WIRE. ;)

No comments:

Post a Comment

Turbine generator? Parang nakita ba kita (o sun dial lang!?)

September 2, 2009 I'm not a UP graduate, pero kung minsan pumapasyal pasyal na din ako dun dahil sa friends ko.. Nitong huli lang a...