Thursday, December 6, 2018

Motor Control Starter Basics (Direct-On-line)


The term "Motor Control Starter" is actually confusing for some people. Technically, the main purpose ng motor starter is not to start the motor, but to let motor start and run without damage.
The term starter is based only on the overload relay that is used to protect the motor from starting current.

In simplest form, motor control starter can be seen in a Direct-On-Line circuit which is composed of MCCB, Magnetic Contactor and Overload Relay.

1)  Molded Case Circuit Breaker (MCCB) - Ang circuit breaker ay may tatlong functions: (a) Isolator, (b) Proteksyon a circuit sa Overload, Grounding at Short Circuit (c) Switching purposes. Sa Control Panel, nasa itaas ang breaker dahil ito ang unang main protection na kakailanganin sa motor. In case may exposed wires na nagcause ng electrical leak o short circuit, agad agad itong magtritrip.

 Kadalasan din itong ginagamit para mahiwalay ang power supply sa motor sakali may preventive or corrective maintenance na gagawin.

2)  Magnetic Contactor  - Ang magnetic contactor ay isang klase ng relay na ginagamit para sa frequent switching ng isang circuit.  Para lang itong "pinalaki na auxiliary relay" - may electromagnectic coil at nagproprovide ng karagdagang contacts sa circuit para sa ON-OFF mode.

Importante ito sa Motor Control.  As per definition ng mga nauna kong articles, ang relay ay power device na kayang kontrolin ang mas mataas na boltahe. Sa concept ng magnetic contactor, halimbawa, ang may 24VAC coil na contactor ay pwedeng kontrolin ang mas mataas na 220 VAC switched circuit. Dahil sa magnetic contactor,  naging posible din kabitan ng ibang mas maliliit na devices para sa motor.  (For instance, ikonekta lang sa contactor ang ilang auxiliary relays at pwede nang lagyan ng karagdagang pushbuttons, pilot led lights at selector switches)

Ang magnetic contactor ay gamit para sa Manual Control or Automatic Control System.
Paano naman ito gagana? Simple lang. Ang Contactor sa Direct-on-line ay nasa Normally Open (N.O) na position. Pag dadaan ang current sa coil (or maenergize ang coil sa technical term), ang contacts na magkahiwalay ay magdidikit, magcloclose ang circuit at mag-Start ang motor.


3) Overload Relay - Sa baba ng magnetic contactor ang overload relay. Ipinapares  ito sa magnetic contactor pasa sa Overload Protection. Ang OL Relay ay hinahayan ang mga short current overloads na dumadaan sa motor sa unang andar nito ngunit automatic na nagtritrip pag naging tuloy-tuloy ang overload current.

Sa principle ng magnetic induction, ang isang motor ay kailangan ng malakas na current para maset up ang electromagnetic field. Ibig sabihin, isang malakas sa sipa ng kuryente muna, para mapaandar ang motor. Ang disadvantage dito, pag parati itong mangyayari, madaling mag-iinit ang motor na pwede ikasira kaagad nito.

Ang overload relay ang solusyon sa isyu ng high starting torque. Dahil dito, naging posibleng gamitin ang motor nang hindi nasisira kaagad. Naiiwasan nating maoverheat ang motor. In short, iwas sunog sa motor windings.


Additional notes:
  • Magnetic Contactor + Overload Relay = Motor Starter. Ang simpleng motor starter ay kailangan lang ng dalawang devices.  Kaya lang, walang kakayahan ang magnetic contactor na magcause ng power intteruption sa tuwing may short circuit. Dito pumapasok ang MCCB.
  •  Molded Case Circuit Breaker + (Magnetic Contactor + Overload Relay) = Combination Magnetic Starter  



Turbine generator? Parang nakita ba kita (o sun dial lang!?)

September 2, 2009 I'm not a UP graduate, pero kung minsan pumapasyal pasyal na din ako dun dahil sa friends ko.. Nitong huli lang a...