KILOAMPERE CAPACITY RATING o KAIC, sino ba ang nakakaalam nun? Kahit ang mga estudyante ng engineering ay kalimitan ding di alam kung bakit kailangan ito.
Kung mapapansin mo, ang protective devices na karamihang makikita sa mga electrical plans ay mayroong continuous current rating (ang karaniwang consumption ng load habang ginagamit ang kuryente. Pero ang KAIC, kadalasang di nababanggit.
Ang KAIC ngayon ang most taken for granted na component sa system design.
Ang circuit breaker ay mayroong tatlong mahahalagang components - ang continuous current rating, ang voltage rating at ang pangatlo, ang interrupting capacity rating. Ang KAIC ang maximum tolerable amount ng current sa tuwing magtritrip ang circuit breaker nang hindi ito nasisira. Mas mababang KAIC kapag sa mga residential lang dahil mas magagaan ang mga load. Mas mataas naman sa mga industrial kung saan nandoon karamihan ang mga malalaking motor.
Example:
30 AT, 2P, 10 KAIC @220 V MCB (para sa main breaker ng isang lighting panel)
250AT, 3P, 25 KAIC @220 V MCCB (para sa isolator ng VFD o inverter)
Sa mga bahay, dahil lightings at power circuit lang, karaniwang 7-10 KAIC. 15 KAIC pataas naman pag mga mabibigat ng load.
Pwedeng ding masabi na ang KAIC ay aftershock component. Kapag hindi nakayanan ng breaker ang fault current, pwede itong madisintegrate. Kung ang circuit breaker ay nandoon para protektahan ang ating mga linya ng kuryente, kailangan din nitong protektahan ang mismong sarili nya.
Ang nasa babang larawang ay Medium Voltage Circuit Breaker na undersized sa KAIC. Nagkaroon lang ng fault ay sumabog na ang breaker at nasunog.