Thursday, November 1, 2018

Electrical Supertitions

Electrical Superstitions?? hehe

1) Tuwing kumikidlat ay takot ang mga taong baka pumasok ito sa linya ng kuryente at mag cause ng sunog o aksidente sa mga appliances sa bahay. Andyan minsan ang tatawag ang boss sa isang building para patanggalin ang lahat ng nakasaksak na equipments kasi baka masira. 

Maling paniniwala: Ang kuryente nga, sabi nila ay tamad. Kung saan ang pinakamalapit na pwede daanan ay dun sya pupunta. Halimbawa nalang ang isang tao sa gitna ng malawak na bukid. Sa ulan, kidlat at kulog, ang pinakamaingat nyang magagawa ay DUMAPA at magpaulan. Delikadong lumapit sa isang MATAAS na puno at sumukob kasi ang tendency ay pumunta ang kidlat sa pinakamataas na kahit ano na nakatayo.

Ang unang dapat makita ng taong takot sa kidlat ay kung ang kinaroroonang lugar ba ay mataas, o ang building ba ang pinakamataas sa lugar. Pero dapat din nyang tandaan na meron namang lightning arrester na andyan para proteksyonan tayo laban sa delikadong mga kidlat. 

2) Minsan para macheck ang boltahe ng power supply ay gumamit ng voltmeter ang isa kong kakilala. Ang 220 V ay dapat pumalo sa 12 V para sa maliit na device na gagamitin nila kaya meron itong sariling transformer. At laking gulat nya, hindi 12 V ang nakita nya, 8 V. Meron bang dapat ipagbahala? Haruy..

Maling paniniwala: Ang kuryente ay pabago-bago ang boltahe. Ang nominal voltage nating 230V dito sa pilipinas o 115V sa ibang bansa gaya ng Japan ay isa lang numero. Ngayon ay pwedeng pumalo ang kuryente sa 230 or mas mataas pa, mayamaya ay pwede ring bumaba . Kaya acceptable pa din sa atin ang 220 at 240 na +10 o -10 V. Ang 8 V na nakukuha sa supposedly 12 V na labas ng kuryente ay di nakapagtataka. Pwede tumaas ito sa 12 V o bumaba, depende sa pumapasok na supply galing sa MERALCO o anumang utility company.

No comments:

Post a Comment

Turbine generator? Parang nakita ba kita (o sun dial lang!?)

September 2, 2009 I'm not a UP graduate, pero kung minsan pumapasyal pasyal na din ako dun dahil sa friends ko.. Nitong huli lang a...