Ang mga generators, para magsynchronize, ay kailangan magkaroon ng pareparehong frequency, voltage at tamang phasing para umandar.
SYNCHRONIZATION: pagpreprepare sa generator para madaling maikonek sa grid o supply ng kuryente sa MERALCO. Dapat mas mataas nang kaunti ang frequency ng genset. Sa ganitong paraan, madaling pagtagpuin ang setting ng kuryente galing sa generator at sa utility company at madaling makakapasok ang supply ng MERALCO.
Pero paano pag nagkakaroon ng kaunting problema sa isa sa mga gensets.
REVERSE POWER?!!? (?ghslfh?!I)
Ang reverse power ay nangyayari lamang kung ang isa sa mga genset ay nagkakaroon ng issue sa prime mover. Hindi nakakaikot nang maayos ang motor, naghahabol ng torque.
Kaya ang nangyayari, napipilitang magtrip ang breakers.
Sa isang synchronized na genset, ang boltahe at frequency ay nakalock sa isa't isa. Sakaling may gumalaw o isa na naiba, nahihirapan ang prime mover na umikot kaya nagrereverse power.
SOLUTION:
Sa synchronizing panel, dapat imanual mode muna ang setting tapos pindutin ang (I/O), sa ganitong paraan, pwede nang mareset ang genset nang hindi pinapatay ang breaker manually, tapos balik ulit sa AUTO MODE. In short, sa command na lang idadaan. Ngunit, ito'y kadalasang nangyayari sa mg TEST RUN la-ang.. Pag may load na, ibang usapan na po yun, bawal na bawal magreverse power ang may load. (haruy)
Kapag actual na nagpower failure at nagreverse power, dapat kaagad mapaandar ang genset na backup instead sa isang genset na nagloloko. Kaya, maaaring imanual mode na lang
No comments:
Post a Comment