Tuesday, November 6, 2018

Mainit na Linya o Hot Wire

Pano kapag ang isang linya ay mas mainit kaysa sa iba?

1) Una tingnan muna kung unbalanced ang circuit. Isa isang tingnan ang amperaha at kung mas mataas ito kaysa sa iba.

2) Tingnan kung maluwag ang terminal. Kapag maluwag kasi ang dinadaluyan ng kuryente, chances are, exposed ang kable, may tendency magleak ang current, kakalat ito, hindi masyadong nakokontrol ang circuit at mas iinit ang kable.

3) Idouble check baka may sunog na part. Sakaling naputulan na ang kable dati pa, nung nasunog ito, siguraduhing lahat ng sunog ay wala na dun. Kahit gaano kaunti ang sunog pag naroon pa rin sa circuit, maaaring magdulot pa rin ito ng problema.

Note: pag may sunog na area sa kable, di nakakadaloy nang maayos ang kuryente, nagtatambak (natratrapik) sa isang lugar kaya umiinit. Katagalan, ang kaunting sunog ay lalaki nang lalaki hanggang sa bumigay ang kable. Lalo pa kung ito ay nasa dulo, masusunog ang terminal sa breaker. 

No comments:

Post a Comment

Turbine generator? Parang nakita ba kita (o sun dial lang!?)

September 2, 2009 I'm not a UP graduate, pero kung minsan pumapasyal pasyal na din ako dun dahil sa friends ko.. Nitong huli lang a...