Tuesday, November 6, 2018

Makukulay na Wires

Kapag nagtritrip ang main breaker,  ang pagcheck sa fuse ay isa sa pinakaunang dapat gawin.

Pagkatapos ay gumamit ng neon tester o screwdriver na umiilaw pag itinatapat sa wiring 
na live para malaman kung may kuryente o wala.

Para maiwasan ang anumang pagkakamali, pwede ring tingnan ang kulay ng mga wire.

Sa electrical, karamihan ay COLOR CODED. 

1) White wires - ang mga to ay karaniwang nakakonekta sa mga terminal ng screws at 
receptacles.

2) Black wires-  ang mga "ultimate hot wires" kung tawagin. Ang mga ito ang may 
dala ng power supply papuntang outlet o switch. Note: Ito ay hindi kailanman 
ginagamit para sa ground o neutral connection.  


3) Red wires - Pwede ding maging "hot wires". In 220-volt installations, the red wire is usually connected sa Control Circuit. 

4) 
Blue and yellow wires - "Hot wires" pa rin ang mga ito, ngunit karaniwang ginagamit 
papuntang conduits para madaling matrace ang wiring. Blue is usually used for para sa 
mga circuits na malalayo at kalimitan din sa mga three way at four way switches na or 
as switch legs in lights and fans.

5) Yellow wires -  Karaniwan nakakonekta sa mga switches 

5) Green - Ground wires. For electrical appliance safety. 

Madaling malaman ang mga dapat at hindi sa electrical wiring. Sa bawat kulay na 
meron ang isang wire, ito'y nananatiling palatandaan kung delikado ito o hindi 
at kung saan ito nakaconnect sa isang circuito.

No comments:

Post a Comment

Turbine generator? Parang nakita ba kita (o sun dial lang!?)

September 2, 2009 I'm not a UP graduate, pero kung minsan pumapasyal pasyal na din ako dun dahil sa friends ko.. Nitong huli lang a...